Itong susunod kong kwento ay noong pinagkilala namin ang girlfriend ko at ang asawa niya sa isa’t-isa.
Makalipas ang ilang buwan, magse-sem-break na noon, naisipan kong pauwiin muna ang girlfriend ko para magkasama kami. Bumalik ako sa luma kong apartment upang hindi maghinala ang girlfriend ko.
Pagdating niya kinabukasan, agad ko syang pinakilala sa mga kaibigan ko at sa mga kaopisina ko. Kaunting kwentuhan, pagkatapos noon, pinuntahan namin si Manong sa mall (napalipat kasi si Manong).
Papasok kami sa mall, tamang-tama, nandoon siya sa entrance naka-distino. Pagkapasok ko pa lang sa mall, pinakilala ko na agad siya.
Hipon: Bhe, ito nga pala si Manong. Kaibigan ko, dati siyang naka-distino sa eskwelahan kaya ka-close ko siya. Siya ‘yung kinekwento ko sa ‘yo na lagi kong nakaksama at minsan, siya rin ‘yung tumutulong sa akin.
Girlfriend: Ah, siya ba ‘yun. Kamusta ka Manong?
Manong: Mabuti naman po ma'am.
Girlfriend: Ma'am?? Ano ka ba, huwag na ma'am ang itawag mo sa akin. Tumatanda ako nyan. Kaibigan ka naman ni Hipon kaya kaibigan na din kita.
Manong: Ok po, Lyn (hindi tunay na pangalan ng girlfriend ko).
Girlfriend: Ayan, mas magandang pakinggan.
At nagtawanan lang kmi...
Hipon: Sige Manong, iwan ka muna namin, magde-date lang kmi, hahahaha
Manong: Sige, ingat.
Hindi pa ako nakaklayo nang may naisip akong plano.
Hipon: Manong, Manong... (habang papalapit sa kanya)
Manong: Ano ‘yun?
Hipon: Pwede ka mamaya? Inuman tayo (kahit alam ko na day-off niya bukas).
Manong: Pwede, kasi day-off ko bukas.
Hipon: Ayun, tamang-tama, punta ka na lang sa apartment mamaya.
Manong: Ayaw ko doon, magulo at makalat doon.
Hipon: Hahahaha... Sira-ulo ka talaga.
Narinig din ng girlfriend ko ang sinabi ni Manong, kaya napatawa na lang din ito (Pasensya na, tao lang, makalat talaga ako, hahahahaha)
Manong: Gusto mo sa bahay na lang, wala namang tao doon.
Hipon: Nakakahiya naman, isasama ko girlfriend ko.
Manong: Ok lang ‘yun.
Nilapitan ko ang girlfriend ko...
Hipon: Bhe, ok lang ba kung pupunta tayo kina Manong? Ayaw nya sa apartment kasi madumi daw at makalat (nakatawa habang kinakausap ang girlfriend).
Girlfriend: Nakakahiya naman.
Hipon: Ok lang ‘yun, wala daw syang kasama doon.
Manong: Huwag ka na mahiya. At least, ako ang magliligpit at maglilinis ng mga ginamit natin.
Girlfriend: Sige, tara (habang nakangiti).
Manong: Hahahahaha... Parehas kayo ni Hipon, tamad maglinis.
Tawanan ulit kami...
Umalis na kami ng girlfriend ko para mag-date. Mag-aalas-7 na nang magtext sa akin si Manong para sabihin na nag-out na siya sa trabaho, at kung gusto daw ba naming sumabay na lang sa kanya. Pumayag naman ang girlfriend ko. Bumili na rin muna ako ng inumin at pulutan, pati na rin para sa aming hapunan. Nagkita na lang kming tatlo sa labas ng mall at sabay-sabay pumunta sa bahay ni Manong.
Pagdating sa bahay, pati girlfriend ko nagulat sa linis ng bahay ni Manong.
Hipon: Bhe, natulala ka din? Ganyan din ako noong una kami mag-inuman dito sa bahay nya.
Girlfriend: Ang linis ng bahay mo, Manong. Sana kahit kaunti turuan mo si Hipon.
Manong: Hahaha, sabi ko nga sa kanya, bayaran nya ako at lilinisin ko bahay nya.
Hipon: Tawa lang ang nagawa ko (na medyo nahihiya nang kaunti).
Naghanda na kami para sa hapunan at kumain. Habang kumakain, nagtanong ang girlfriend ko.
Girlfriend: Manong nasaan ang asawa mo at anak?
Manong: Paano mo nalaman?
Hipon: Naikwento ko kasi sa kanya, hindi kasi ako nagtatago ng sikreto sa bhe ko (kahit puro sekreto ako sa kanya).
Manong: Wala, nasa probinsya kasama ang nanay ko.
Girlfriend: Saan ang probinsya nyo?
Manong: ***************** (hindi ko maaaring sabihin kung saan)
Girlfriend: Diba maganda doon?
Hipon: Oo, Bhe, diba sabi mo dati, gusto mong makapunta doon?
Manong: Oo, maganda naman, pero wala kami sa mismong bayan. Mga isang oras pa ang biyahe para makarating sa bayan.
Girlfriend: Ganon ba, pero ok na din ‘yun.
Hipon: Gusto mo pagplanuhan natin, Bhe, punta tayo doon.
Girlfriend: Sige, Bhe.
Manong: Gusto nyo, sumama na lang kayo sa akin sa katapusan. Birthday kasi ng anak ko.
Hipon: Katapusan, tamang-tama, swelduhan, hahahhaha...
Girlfriend: Hindi ko pa alam kung pwede ako sa katapusan. Baka may trabaho.
Hipon: Bhe naman! Hindi ba pwede? Please, gawan mo ng paraan. Mag-honeymoon tayo doon.
Girlfriend: Sige, Bhe. Subukan ko.
Manong: Ok, kung matuloy man kayo, sa bahay na tayo tutuloy para bawas gastos kayo.
Girlfriend: ‘Yun naman pala, sige, tara na. Bukas na ba?
Hipon: Nakarinig ka lang ng makakatipid, ang bilis mong pumayag. Ang kuripot mo talaga.
Girlfriend: Hindi naman, kaunti lang.
Tawanan ulit kmi...
Matapos kaming kumain, nagpahinga muna at nagyosi ako sa may bintana habang ang girlfriend ko naman ay tumutulong sa pagliligpit ng pinagkainan.
Pagkatapos, nanood muna kaming tatlo ng tv at hindi nagtagal, nag-inuman na rin. Mas nakilala ng girlfriend ko si Manong, at sa palagay ko nakampante ang loob niya sa bago niyang naging kaibigan.
Girlfriend: Manong, ‘kano renta mo dito sa bahay?
Manong: Wala, kasi, sa kamag-anak ko ‘to. Nagsusulit (nagbibigay) na lang ako ng 500 kada buwan para hindi naman gaanong nakakahiya.
Girlfriend: Ahh, ganon ba.
Hipon: Gusto ko ngang maki-ambag kay Manong para bawas gastos na lang.
Girlfriend: Oh, mas ok ‘yun. Makakatipid ka, 250 na lang babayaran mo.
Hipon: Ikaw talaga, Bhe. Umiral na naman ang pagkakuripot mo.
Girlfriend: Shhh! Hwag kang maingay. Nahahalata ni Manong.
Manong: Hahahahahahahah...
Girlfriend: Oh, diba, tawa sya.
Hipon: Hahahahaha... Manahimik ka na lang dyan at tumagay. Nakakahiya kay Manong.
Manong: Ok lang ‘yun para at least, may kasama ako dito at may maglilinis na [ng bahay].
Hipon: Gawin ba ‘kong katulong?
Manong: Hindi naman, medyo lang.
Girlfriend: Bhe, para matuto ka na ring maging malinis sa bahay.
Hipon: Isa ka pa, gagatungan mo pa.
Girlfriend: Hahahahaha...
Masaya ang gabing ‘yun kasi, kasama ko ang dalawang taong mahal ko at masaya din ako kasi nagkasundo silang dalawa. Tumagal din ang inuman namin ng mga ilang oras at mga bandang ala-una na kami nakauwi ng girlfriend ko.
Habang papauwi kami ng girlfriend ko, naitanong nya kung seryoso ako sa sinabi kong makikiambag ako sa upa sa bahay ni Manong.
Hipon: Oo, kasi, mas makaktipid ako at malapit din naman sa trabaho ko ‘yun at sa eskwelahan, at mas malaki pa yung lugar.
Girlfriend: Bakit hindi mo sya kausapin?
Hipon: Kinausap ko na, nahihiya lang ako.
Girlfriend: Ok lang ‘yun para at least, sigurado ako na wala ka madadalang babae doon, at kung meron man, isusumbong sa akin ni Manong, at may guard na ako para bantayan ka.
Hipon: (Tawa) Ikaw talaga, alam mo namang ikaw lang mahal ang ko.
Girlfriend: Joke lang.
Kinabukasan, binalikan namin si Manong at kinausap tungkol sa pakikiambag ko sa upa. Girlfriend ko ang kumausap sa kanya at nagkasundo naman ang dalawa. Ilang araw lang ang tinagal at lumipat na ako sa bahay niya. Masaya ako kasi naging legal sa girlfriend ko ang paglipat ko sa bahay ni Manong. Mas lalong naging malapit sa isa’t-isa sina Manong at ang girlfriend ko. Naging masaya ang bawat araw. Puro tawanan. Paano, kasi nagsama-sama ang mga kalog.
Dumating na ang araw na kami naman ang pupunta sa probinsya ni Manong. Birthday ng anak niya. Hindi gaano kalayuan ang probinsya ni Manong sa amin. Mga 3-4 na oras lang ang byahe.
Pagdating na pagdating namin, sinalubong agad sya ng anak nya na naglalaro sa may tárangkahan ng bahay nila. Laking tuwa ko, kasi ang magandang lalaki ang bata, parang silang pinagbiak na bunga ni Manong. Dumating na rin ang asawa nya at pinakilala ako.
Manong: ‘Ma, si hipon at si Lyn, mga kaibigan ko. Isinama ko sila kasi gusto daw nila makarating dito sa atin, at isinama ko na rin sila kasi birthday naman ng anak natin.
Girlfriend at Hipon: Magandang tanghali po.
Asawa: Ahh, tuloy kayo.
Pumasok na kami at umupo sa sofa.
Manong: ‘Ma, nasaan si Nanay?
Asawa: Baka nasa bayan ‘yun kasi tumwag ang kuya mo. May kailangan daw kay Nanay.
Manong: Si kuya? Umuwi rin sya?
Asawa: Oo, kasi may mga aasikasuhin daw at tamang-tama birthday ng inaanak nya.
Manong: Buti naman. Marami-rami na rin ang utang nu’n kay totoy (malapit sa isa’t-isa sina Manong at ang kuya nya dahil dadalawa lamang silang magkapatid).
Pinapasok na kami ni Flor (hindi tunay na pangalan ng asawa ni Manong) sa kwarto na tutulugan namen upang makapagpahinga nang maayos.
Girlfriend: Bhe, sarap talaga ng hangin sa probinsya, noh? Tapos, tingnan mo, ang ganda ng tanawin mula dito sa bintana, tanaw mo ang bundok.
Hipon: Oo nga, Bhe. Ang sarap.
Makalipas ang ilang minuto, nakatulog kaming dalawa ng girlfriend ko. Hapunan na nang kinatok kami ni Manong sa kwarto.
Manong: (tok, tok, tok) Hipon, gising na kakain na tayo.
Hipon: Sige, Manong, saglit lang. Susunod na kami.
Lumabas na kami ng girlfriend ko at kumain.
Nagkukwentuhan kami habang kumakain. Nagpakilala sa isa’t-isa at nagpalitan ng mga istorya sa buhay. Nasabi rin ni Manong na sa kanila ako tumutuloy.
Flor: Talga? Mas mabuti para may magbabantay sa kanya.
Girlfriend: Tama ka ate, kaya nga pumayag ako para bantayan sya ni Manong.
Flor: Hahaha, parehas pala tayo ng nasa isip.
Girlfriend: Opo, maloko kasi ‘tong si Hipon.
Hipon: Hindi ah, ang bait-bait ko nga eh. Nagmumukha na nga akong aso sa kabaitan ko.
Girlfriend: Matagal ka nang mukhang aso.
Hipon: Alam ko, kaya mo nga ako sinagot, kasi mahilig ka sa aso.
At nagtawanan kami nang malakas.
Flor: Tama na yan, tapusin na natin ang pagkain.
At natapos na nga kmi sa pagkain. Sa pagkakataong ito, hindi si Manong ang maghuhugas ng mga pinggan, kundi ang asawa nya, na sinamahan naman ng girlfriend ko. Bumaba muna kami ni Manong para makapagyosi ako. Ayaw ko kasi magyosi sa loob ng bahay, lalo na kapag may bata.
Sa pagbaba namin sa hagdan, pinisil ni Manong ang pwetan ko at bumulong:
Manong: Namimis ko na ‘to, at namimis na kita.
Hipon: Ano ka ba, umayos ka nga!
Manong: Sensya na, Hindi ko lang napigilan.
Sabay halik si Manong sa batok ko. Habang nagyoyosi ako, kumuha naman si Manong ng guitara at kumanta. Pakiramdam ko, hinaharana ako ako ni Manong. Hindi nagtagal, bumaba na rin ang asawa nya at ang girlfriend ko.
Doon kami nagkwentuhan. Laging nagkakasundo ang asawa nya at ang girlfriend ko, lalo na pagdating sa usapang pambababae. Sa isip-isip ko, kung alam lang nila, hindi kami nambababae, nanlalalaki kami, hahaha...
Hindi rin nagtagal, natulog na rin kami. Maaga pa kasi sila bukas para paghandaan ang kaarawan ng anak nila. At dumating na nga ang araw ng birthday ng anak nya.
Kinabukasan, nagsimula na kaming mamasyal ni Lyn sa bayan. Tumagal kami ng apat na araw sa probinsya ni Manong.
Masaya ang pamamalagi namin sa lugar na ‘yun. Kaming lima palagi ang magkakasama: ako, ang girlfriend ko, si Manong, ang asawa nya, at ang anak nila. Sa palagay ko, magkasundo na rin ang asawa ni Manong at ang girlfriend ko.
Umuwi na kami at ang girlfriend ko naman ay bumalik na sa trabaho. Naging masaya ang sem break na ‘yun. Naging legal ang pagtira ko sa bahay ni Manong at naging magkakilala pa ang asawa ni Manong at ang girlfriend ko.
Pagkauwi namin noong gabing ‘yun, nagsex agad kami ni Manong dahil sa sobrang pagkamis namin sa isa’t-isa. Naka tatlong round kami ni Manong, hahaha...
Special thanks to SG - Lover for editing my story
gs2 ko suportahan ang mga taong may cancer (wala me makita for HIV) kc alam ko sa gaya ntin prone tau sa hiv or cancer kaya i want to give them a support kahit papano makaktulong na ito
Please Help
gs2 ko lang maging supporter yung account ko sa g4m matutulungan nyo ako by Click This and the guys4men site will open and mag register lang kau kahit isang account n nd nyo gagamitin bsta register lang kau please hehehe salamat sa mga mag reregister
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

To be honest... nakakainspire ang story ni hipon at manong... sana ako din makahanap ng SG na gaya ni manong...